Pag-aaral ng Kasaysayan at Lipunang Pilipino
- Subject
- Core Subjects
- Grade / level
- 11
About this book
Nagiging makabuluhan ang kasaysayan kapag nakikita natin ang kaugnayan nito sa sariling karanasan at sa mga usaping kinakaharap ng lipunan. Nililinang ng Pag-aaral ng Kasaysayan at Lipunang Pilipino ang kamalayang pangkasaysayan sa pamamagitan ng pagsusuri sa ugnayan ng heograpiya, kultura, paniniwala, at pagkakakilanlan.
Batay sa Strengthened SHS curriculum, sinusuri ng aklat ang mga kolektibong karanasan ng pakikibaka at pakikiangkop na humubog sa kamalayang Pilipino. Iniuugnay nito ang pag-unawa sa nakaraan sa likas-kayang pag-unlad, katarungang panlipunan, at aktibong pagkamamamayan. Ang pagsusuri sa mga piling kaso, dokumento, at programang panlipunan ay nagiging batayan sa pagbuo ng paninindigan at mga panukalang tumutugon sa pangangailangan ng komunidad.




