SENIOR HIGH SCHOOL / TEXTBOOKS← Back to Senior High School textbooks
Malikhaing Pagsulat
- Subject
- Art, Social Sciences, and Humanities
- Grade / level
- 11, 12
About this book
Maaaring magsimula ang isang akda sa isang alaala, tanawin, tinig, o tanong. Ginagabayan ng Malikhaing Pagsulat ang mga mag-aaral sa paglinang ng mga bukal ng inspirasyon tungo sa paglikha ng tula at maikling kuwento sa Filipino at/o iba pang wika sa Pilipinas.
Iniuugnay ng aklat ang pagmamasid at paggamit ng pandama sa pagbuo ng imahen, tauhan, tinig, at salaysay. Mahalaga sa proseso ang pagsulat ng borador, pakikilahok sa palihan, at pagrerebisa batay sa mga puna at mungkahi. Sa bawat yugto, nahahasa ang kakayahang gumawa ng masining at sinadyang mga pasiya bilang manunulat.




